"Opo, mahal na hari."

Pasubali (Disclaimer): Sa tingin ko'y marapat na akong mag-Tagalog, sapagkat darang na ako sa ating ikalawang wika. Sabi nga "mahalin ang sariling atin." Marahil ay gagamit pa rin ako nang bahagyang Ingles para sa ibang ekspresyon at mga salita, ngunit kung ibig mong maunawaan ito sa wikang Ingles, mangyaring makipag-ugnay sa akin sa (but if you want to understand it in English, please contact me at) themaneuvoice@gmail.com.








"Opo, mahal na hari."---mga katagang tumatak sa aking isipan sa ikatlong linggo ng aming workshop kung saan si ginoong Bernard Factor Cañaberal ang nagsilbing espesyal na panauhin namin sa araw na iyon. Nagpapahiwatig lamang ito na kapag mayroong pribilehiyo ng pagpapala ay dapat mo itong sunggaban ng mga katagang nabanggit sa itaas. Sa kabilang banda,marami rin akong natutuhan patungkol sa mga karanasan ni ginoong Cañaberal pagdating sa sining at industriyang ito. Kung saan inilahad niya ang kaniyang mapagpakumbabang panimula patungo sa kasikatan at siyempre,kalakip din nito'y masalimuot na pagpupunyagi sa kung sino siyang talaga; gaya na lamang ng mga pagkaantala ng kaniyang mga kita sa kaniyang trabaho. Masasabi kong lahat ng kaniyang tinuran ay isang malaking inspirasyon sa aming mga nagbabanat pa lamang ng mga daliri tungo sa pagturo ng bituin ng aming mga pangarap. 
 

Nabanggit niya rin ang pagiging isang mabuting tagasunod, kung saan dapat kang makinig nang mainam sa iyong tagapagturo nang sa gayo'y maisagawa mo nang maayos ang proyekto mo. Isa pang tumatak sa aking isipan ang sinabi niya sa amin na "be the best of who you are," sapagkat ayon din mismo ang ikinital ng kaniyang ama noong siya ay bata pa at panghuli, hindi ko malilimutan ang bilin niya na huwag daw namin gawin ang minsang nagawa niya na na ang pagbaba ng dignidad ng iyong tinig para lamang makuha ang isang proyekto na halos umabot na sa patayan (konotasyon lamang) para lamang sa kita at kasikatan. 

Ayon lamang, nawa'y nagustuhan ninyo rin ang mensahe ng blog na ito, Maraming salamat sa pagbabasa, pagpalain tayo nawa! 😇💖

Comments