CVAP Batch 8: Week 4 Experience


Pasubali (Disclaimer): Sa tingin ko'y marapat na akong mag-Tagalog, sapagkat darang na ako sa ating ikalawang wika. Sabi nga "mahalin ang sariling atin." Marahil ay gagamit pa rin ako nang bahagyang Ingles para sa ibang ekspresyon at mga salita, ngunit kung ibig mong maunawaan ito sa wikang Ingles, mangyaring makipag-ugnay sa akin sa (but if you want to understand it in English, please contact me at) themaneuvoice@gmail.com.




Hey fellas! Kumusta kayong lahat? Bali, ngayong araw ikukuwento ko sa inyo ang aking karanasan sa last week ng aming program/workshop. Akalain mo 'yon umabot ako sa finals? Road to graduation pa ahahah. Certified Voice Artist na this heheh. 😁 Going back, so yeah we had some fun and interesting session as always. Marami kaming natutuhan, like unity, camaraderie, especially to our last BR group activity, which is dubbing. Shout out to my group---QuaranTeam. Laking pasasalamat ko talaga, dahil umabot pa ako sa week na 'to ng workshop namin, meaning malakas ako at siyempre sa tulong 'yon Ni Lord, pati na rin sa mga inspirational sayings ng aking mga mentors at voicemates.


Maraming salamat sir Choy sa madalas na pagpapaalala sa amin, kung ano nga ba ang mundo na aming tatahakin. Salamat sa tips at sa mga sikreto mo na kailan may hindi na sikreto AHAHAH, saka 'yong recorded talks mo pala, kailan po 'yon namin maa-acces? JOKE! 
😂 Isa 'to sa mga hindi ko malilimutang mga araw ng buhay ko na napasama ako sa isang kilalang Philippine Online Voice Acting Workshop. Kahit na sa maikling panahon ay naglagak pa rin kayo ng inyong oras at karunugan. Lagi kong itatatak sa isipan ko, kung saan ako nagmula at walang magaling na nagsimula sa pagiging magaling at ni kahit magaling ay kailangan pa ring mag-practice... practice... practice. Muli, maraming salamat po sa aking CVAP fam.


See you all sa graduation, God bless! 😇💖



Comments