CVAP Batch 8: Week 3 Experience


Pasubali (Disclaimer): Sa tingin ko'y marapat na akong mag-Tagalog, sapagkat darang na ako sa ating ikalawang wika. Sabi nga "mahalin ang sariling atin." Marahil ay gagamit pa rin ako nang bahagyang Ingles para sa ibang ekspresyon at mga salita, ngunit kung ibig mong maunawaan ito sa wikang Ingles, mangyaring makipag-ugnay sa akin sa (but if you want to understand it in English, please contact me at) themaneuvoice@gmail.com.



Hey fellas, kumusta? Bali ngayong araw ay ibabahagi ko sa inyo ang aking mga naiisip at karanasan sa aming week 3 workshop sa CVAP. Ngayong week na 'to ay halos same ambiance lang, pero magkaibang vibes, kasi mas naging intense iyong mga ginawa namin at mga takdang aralin. Saka, nag-group ZoomArte kami, kung saan mas natutuhan naming magtulungan sa mas maikling panahon. Kaya masasabi kong nagkaroon kami ng sense of belongingness and purpose sa karera na tinatahak namin sa tulong ng CVAP Mantra na nabuo ni sir Choy, kung saan siksik ito ng mga mabubuting layunin at katauhan ng isang pagiging tunay na voice artist. Kasama na roon ang patuloy na pag-eensayo. #Practice3x

Siyempre, hindi ko rin malilimutan 'yong special guest namin na si Mr. Canaberal at mayroon akong nakahiwalay na talata ng karansan ko sa isa ko pang blog na gagawin. Maraming salamat sa pagbabasa ng aking karanasan tungkol sa Week na' to.



Comments