CVAP Batch 8: Week 2 Experience
Hello fellas! Kumusta kayo? Ako? Ito pinagpala pa rin ng Panginoon, nawa kayo rin.
Bali, ngayong ikalawang linggo ng aming CVAP (Certified Voice Artist Program) workshop ay masasabi kong mas dumami ang rebelasyon, bukod sa mga takdang aralin heheh. Sapagkat nabanggit 'yong mga bagay na akala ko ayos lang kapag dating sa tamang pag-aalaga ng boses, at siyempre sa pagboboses. Tulad ng mga paborito kong maaanghang na pagkain, at siyempre, isa sa rebelasyon ang pagkatawag sa online kumustahan heheh. 😅 Ayon, tinanong lang naman kung ano at kung ba't ganoon ang voice brand name namin ng ate ko, dahil nang mga oras na 'yon ay iisang device lang ang gamit namin ng ate ko.
Samantala, tumalon naman tayo sa pinaka-highlights ng blog na 'to. Sabi sa screenshot taken from kuys Joshua Simeon (The Voice Scout) na kung paano nga ba raw maging isang epektibong voice artist ay masasabi kong marami akong realization at learnings, dahil sa napagdaanan ko na 'yon, bago pa ako pumasok dito sa workshop na ito. Una, kailangan daw muna namin tapusin ang lahat ng assignments namin sa CVAP ahahah. At oo, nabuhay muli ang loob ko at patutunayan ko na kaya kong maniubrahin ang sitwasyon na kinahaharap ko, dahil ako si #The ManeuVoice. To be honest, medyo may pag-aalangan sa isip ko, kung matatapos ko ba ang mga iniatas sa amin na mga gawain eh, pero siyempre tuloy lang ang laban. Mas natutuhan ko rin na bigyang pansin iyong 3 T's (Time, Talent, and Treasure) at masasabi kong "I'm working on it." Next is "listen to fellow CVA" na kung saan ginagawa ko naman. Lastly, natutuhan at napagtanto ko sa sharing ni The Voice Scout 'yong patuloy na pagbabahagi ng iyong karanasan pagdating sa voice artistry, kung saan kasalukuyan ko namang ginagawa. At siyempre, mayroon pang pinaka-dalawang importante at ito 'yong dapat lagi kang Ritemed, which means hindi ka dapat mahihiyang magtanong, kung sakaling bago lang sa'yo ang isang bagay at ang pinaka-huli talaga ay ang matuto na mag-move on at maging immune sa rejections and to be honest, natututuhan ko na siya ngayon, simula noong nagsimula ako sa field na 'to last year.
Comments
Post a Comment