Bakit The ManeuVoice?
Bakit nga ba?---Ewan ko rin eh AHAHAH. 😂
Biro lang, siyempre! 😁 Alam mo ba? Malamang hindi mo alam, diba? Hindi, biro lang ulit. 😅
Ganito kasi 'yan... teka, bago 'yan may ibubunyag ako sa'yong sikreto.
Ano 'yon?
Sikreto nga, diba? AHAHAH.
Biro lang ulit... ito na talaga. Alam mo bang bago pa ako makapasok ng CVAP Batch 8, actually batch 6 pa dapat, kaya lang hindi ko pa time 'yong dalawang nagdaang batches eh.
Anyway, going back to the subject... so, ayon na nga ang ibig ko lang namang iparating na bago ko pa naisip ang "The ManeuVoice" na voice brand name ay may nauna na akong nagawa---as in finished products na lahat. May brand name na, logo, email, at YouTube account. Ang kaso may halos kapareho na pala ako noon, kaya 'yon nagdaan pa ako sa kung anu-anong proseso para baguhin ang brand name ko. Ngunit bago ko sagutin ang nauna MONG tanong sa itaas ay sasabihin at ipakikita ko muna sa'yo ang mga katibayan na may nauna na akong nagawa noon at hindi 'yon ang "The ManeuVoice, kundi ang The VoiceServant" at alam mo bang may kahulugan din ito na tiyak na magugustuhan mo? Oh siya, na-take notes mo ba, kung ilang mga katanungan na ang hindi ko pa nasasagot? Tandaan mo 'yan ah, then comment ka sa ibaba, kung hindi ko pa rin ba 'yon nasasagot heheh.
Ito na! Tadaaa! Paalam...
Ayyy oo nga pala, may sasagutin pa akong mga katanungan. Uunahin ko muna 'yong huli.
Pinili ko ang The VoiceServant na brand name, dahil una gusto kong maglingkod sa mga tao gamit ang boses ko at pangalawa na siya na ring panghuli ay ibig ko sanang isunod na rin ang pangalan na nakaakibat sa isang master, kaya servant ang ginamit ko at alam naman natin na ang nag-iisang voice master ay walang iba, kundi si sir Choy. Kaya nga lang may mas nauna sa akin ng isang batch, pero ang kaniya "Voiservant," hindi naman pareho ang pagkakabaybay, ngunit kasing-tunog talaga eh, wala nga lang "the" na kasama, pero hindi pa rin ako pinayagan; siyempre para iwas kalituhan na rin. Okay, ito na talaga ang sikreto ko sa The ManeuVoice na pangalan, pero bago 'yan may isa pa akong trivia sa'yo. Alam mo ba na bago ko sana piliin ang brand name na 'yon ay pinag-isipan ko muna, kung saan nga ba ako nagsimula sa voice over & acting matter, dahil alam naman natin na bago ako nagkaroon ng formal training ay napagdaanan ko na ang magkaroon ng iba't ibang mga kliyente maparito man o sa ibang bansa. At ayon nga na unang nadiskubre ang kagandahan ng speaking voice ko sa isang prank call sa aking kamag-aral noong senior high at sa isang vlog namin sa school, pero mas nabigyang pansin ito noong magsimula akong mag-explore sa isang random chat website na kung tawagi'y "Omegle." 😂
Doon, babad ako tuwing gabi, lalo na noong nagpandemya AHAHAH. Ewan ko ba, sige aaminin ko na siguro mas nawili ako noong marami nang pumupuri ng mala-matinee voice ko, sabi nila ah? Pero ayon nga, hindi ko pa rin ni-push 'yong isa sa gusto kong brand name na "OmeVoice." I feel kasi na mas maraming maiintriga eh, though good for me 'yon, kaya lang alam naman natin na hindi ganoon kagandahan ang imahe ng Omegle website, so ekis na muna sa akin ang OmeVoice, pero siguro puwede kong magamit na screen name na lang para sa ibang oportunidad heheh. Ayon lang naman, nawa nagustuhan mo ang kuwento sa likod ng aking brand name/s.
Oo nga pala, hindi ko pa nasasagot 'yong kahulugan ng bago kong brand name, pero nalaman mo na ang sikreto, kung ba't ako napunta sa brand name na 'to. Kaya lang ang pinaka-masasabi ko talaga na God's will din ito, dahil nga sa isa akong raketerong bagets, kaya mas bagay 'yong may "maneuver" na word, pero hindi ako dancer ah? Magaling lang mag-maniobra sa mga bagay, tulad ngayon late na ako, kung gumawa ng mga blogs ko para sa workshop AHAHAH. Anyway, lahat ng 'to ay dahil sa mapagpalang mga kamay ng ating Panginoon. Kaya naman to God be all the glory! ☝
So, ayon na nga... about naman sa logo ng aking brand name, alam mo ba na hindi rin 'yan ang nauna kong ginawa? AHAHAH. Dumaan din ako sa proseso nang pagsasakatuparan niyan. Bali naka-dalawang logo lang naman ako, bago ko magawa 'tong ngayon. Gusto mong makita? Sige...

Sorry, pero na-delete ko na pala 'yong nauna kong gawa, pero ayon nga ikuwento ko na lang din. Bali isa lang din naman 'yong palayok na may mga nakahawak na kamay just to symbolize someone who maneuvers something, like a claypot heheh. Kaya lang kain espasyo eh, kaya I've changed it to this one, please refer to the above diagram. And yeah, same with the first one, kain espasyo rin, saka looks baduy heheh. Kaya nagpasya ako na i-finalize na ang logo ko na may kaparehong kulay pa rin na magsisimbulo sa malaya (bughaw), ginto o mayaman (gintong kulay mismo), at siyempre sa matapang (matingkad na pula) na boses na alam kong tinataglay ko, kahit na hindi halata sa nagmamay-ari ng tinig na ito. Lalong higit, isinaalang-alang ko rin 'yong slogan ko ah? Para lang mas maging simple, pero elegante ang logo ko, saka alam ko naman sa sarili ko na ganiyan pa rin naman ang slogan ng boses ko eh. "The ManeuVoice: Helping you in a skillfully crafted way." Oh, diba? Ang ganda ahahah. Hindi sa pagmamayabang, pero sabi ni sir Choy, ipagyabang mo na rin sarili mo, since wala na rin namang unang magmamayabang sa'yo, kundi ang sarili mo eh. Pero tandaan pa rin natin na magyabang tayo with a heart. 😁 I mean, magmalaki tayo nang may layunin at 'yon ang iparinig ang mga tinig natin sa mundo.
Nakalimutan ko, ang haba na pala nang naisagot ko sa dadalawa o tatatlong tanong mo heheh.
God bless fellas! 😇💖
Comments
Post a Comment